Marcelito Pomoy Binigyan Ng Lucky Charm ng Namayapang si Jovit Baldivino!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


 Aminado si Marcelito Pomoy na isa siya sa mga labis na nagluluksa sa pagpanaw ng PGT season 1 grand winner na si Jovit Baldivino.

Ibinahagi ni Marcelito na itinuturing niya malapit na kaibigan si Jovit dahil sa laging pagsuporta nito sa kanya sa lahat ng kanyang performances magmula sa pagsali niya sa Pilipinas Got Talent season 2 kung saan siya naman ang itinanghal bilang grand winner.

Ayon kay Marcelito, hindi niya lubos akalain na mawawala na ito ng tuluyan sa kanila. Nasa Indonesia umano siya ng bawian ng buhay si Jovit.

Ayon sa kanyang kwento, tinawagan na lamang siya ng asawa ni Jovit bandang 3:33 ng umaga noong December 9 upang ipabatid sa kanya ang nakakalungkot na balita. Bago pa man siya lumipad pa Indonesia, dinaanan pa umano niya ang kaibigan sa ICU at sinabihang magpagaling.

Ibinahagi pa ni Marcelito, kung gaano ka supportive at kabait sa kanya si Jovit. Sa katunayan ay binigyan pa umano siya nito ng kwentas na nagsisilbing lucky charm niya sa kanyang mga performances.

Pinapasuot umano ito sa kanya ni Jovit upang maramdaman niya nasa tabi lamang niya ito palagi hanggang sa dulo.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo