Marcelito Pomoy, Labis na Nagluluksa sa Pagkam4tay ni Jovit Baldivino!

Biyernes, Disyembre 9, 2022

/ by Lovely


Labis na nagluluksa si Marcelito Pomoy dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigan na si Jovit Baldivino.

Ibinahagi din ni Marcelito na bandang 3:30 kaninang umaga ay sinubukan pa nilang gisingin si Jovit baka magka-milagro pa. Labis din siyang nalulungkot dahil si Jovit ang kauna-unahang sumuporta sa kanya sa pagsali niya sa Pilipinas Got Talent.

“Parekoy…. 3:33AM this morning pinipilit ka pa naming kausapin at gisingin baka magmilagro pa… sobrang sakit mawalan ng isang kaibigan.. ikaw yong taong unang sumuporta sa laban ko sa PGT,” pahayag ni Marcelito.

Ibinahagi din niya na kinausap niya ang pamilya ni Jovit, na magsasagawa sila ng fund-raising para makatulong subalit tila huli na ang lahat.

“From the day na tinakbo ka sa ICU… pinuntahan agad kita.. talked to the family if we can raise funds for you.. if we can do concert for a cause for you but its too late now… contacted all the generous and people with a big heart all over the world to help you parekoy. Thank you so so much to all those who helped Jovit… thank you for being with us during Jovit’s fight,” dagdag pa ng PGT Season 2 winner.

Samantala, nag-iwan si Marcelito ng account number na puwedeng padalhan ng tulong ng mga kapwa Pinoy na nasa Amerika o ibang bansa na nais tumulong sa naiwang pamilya ni Jovit.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo