Mateo Guidicelli, Pinabura Ang Open Apology Letter Ni Sarah Geronimo Para Sa Kanyang Mga Magulang!

Linggo, Disyembre 4, 2022

/ by Lovely


 Napag-alaman ni Manay Cristy Fermin ang kwento sa likod ng buradong apology letter ni Sarah Geronimo para sa kanyang mga magulang.

Ayon sa pagkukwento ni Cristy Fermin sa kanyang programa, may isang source na nagsabi sa kanya na sobrang naawa na umano si Mateo sa kanyang asawa na si Sarah Geronimo. Kaya naman agad na pinabura ni Mateo ang apology letter ni Sarah dahil lumabas na kaawa-awa ang kanyang asawa.

"Meron akong source na nakausap na sobrang awang-awa na si Matteo kay Sarah. Yung nasa likod pala nung Post ni Sarah na naging emosyonal siya, binura niya kaagad. Totoong si Matteo ang nagpaalis nun, nagpabura. Kasi parang pakiramdam ni Matteo, kawawang-kawawa naman ang misis niya," pahayag ni Cristy Fermin.

Matatandaang nauna nang naiulat na ilang beses na sinubukan ni Sarah Geronimo na makipag-usap sa kanyang mga magulang kahit man lang sa mga text messages subalit kailanman ay hindi man lang ni-replayan ng mga ito ang singer.



( Hide )
  1. Ang tinde ng Nanay nito!..Ang TagaL nang nakinabang sa anak ee!okz lang Yan mahal kong Sarah..Nakita namn ni Lord kung gaano ka naging mabuting anak..Tama lang ginawa ni Mateo..

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo