Matet De Leon Hindi Galit Kahit Hindi Pinautang Ni Ate Guy Noon!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


 Muling may isiniwalat si Matet De Leon hinggil sa kanyang adoptive mother na si Nora Aunor.

Ayon sa video na ibinahagi ni Matet sa kanyang Instagram stories, nilinaw niya na hindi siya nagalit rito matapos hindi siya pahiramin ng pera sa hindi malamang dahilan.

Naiintindihan umano niya noon ang ina at hindi nagtanim ng sama ng loob rito. Ibinahagi umano niya ito upang hindi isipin ng kinilalang ina na dahil sa pagtanggi nito noon kaya siya naghihimutok online.

Nilinaw muli ni Matet na ang kanyang ikinainis sa ina ay ang pag-launch nito ng produkto na katulad sa mga produkto niya kung saan nasabihan siyang mag-resell nalang. Parang nang-iinis umano itong si Nora Aunor.

“Baka rin sabihin ni mommy na nagagalit ako kasi nanghiram ako sa kanya. Nanghiram ha, hindi nanghingi, magbabayad. Baka iniisip nya nagalit ako kasi nanghiram ako sa kanya pero hindi niya ako pinahiram. Hindi ako nagalit, naiintindihan ko. May screenshot din ako nun. Kaya lang ang masakit sa akin, hindi yung produkto, yung ginawa nya mismo," paglilinaw ni Matet.

Hindi din umano siya nito sinabihan, nalaman na lamang umano matapos nagsilabasan ang mga litrato ng produkto nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo