Matet De Leon Hindi Na Magpapakita Kay Nora Aunor Para Hindi Na Mainis!

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


 Ipinahayag ni Matet de Leon na para sa kanya, tila mas nakakabuting hindi na sila magkikita pa ng kinilalang ina na si Nora Aunor.

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin niya lubos na maisip kung bakit nagawa ng kinikilalang ina ang pakokompetinsya sa kanya. Pakiramdam umano niya na tinraydor siya nito.

Ayon pa kay Matet tila hindi na talaga maaayos pa ang gusot sa pagitan nilang mag-iina. Gayunpaman, mahal pa rin naman umano niya ang kanilang kinilalang ina at hindi na lamang umano siya magpapakita rito upang hindi na ito mainis.

Inilabas din niya ang kanyang sama ng loob dahil pinapatahimik sila sa tuwing may ginawang mali ang kanilang ina.

“Para kaming nakatali, para kaming nakabusal na sinasampal-sampal niyong lahat.Nakatali kami, wala kaming puwedeng gawin, nakabusal kami, wala kaming puwedeng sabihin, sinasampal-sampal niyo kami, wala kaming kuwentang ampon.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo