Matet De Leon Maglalabas Ng Mga 'Sablay' Ni Nora Aunor! Matapos Ibash Maging Ang Mga Kapatid!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng aktres na si Matet De Leon na nahihirapan na silang magkakapatid dahil sa kanilang ina na si Nora Aunor.

Naiinis na rin umano siya sa natatanggap na pambabash hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang mga kapatid na sina Ian De Leon at Lotlot De Leon.

Sa kabila  umano ng kanilang pananahimik, patuloy pa rin silang binabanatan ng mga 'Noranians'. Kaya naman ngayon kung hindi pa umano titigil ang mga ito ay sunod-sunod siyang maglalabas ng mga sablay ni Nora Aunor bilang kanilang ina.

“Lahat kaming magkakapatid, sinasabi ko sa inyo. Hirap na hirap ang buhay naming lahat. Hindi lang ako. Tigilan niyo na yung hindi magagandang pananalita niyo sa akin, sa mga kapatid ko, sa ate ko, sa kuya ko. Sa tuwing may gagawin na sablay si mommy, kahit hindi kami nagsasalita pero kami binabanatan niyo,” pahayag ni Matet sa kanyang IG stories video.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na umalma si Matet De Leon sa natanggap na bashing nilang magkakapatid dahil sa kanilang adoptive parent na si Nora Aunor.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo