Mga Manonood Dismayado sa Boses ni Jake Zyrus Mas Bet Ang Boses ni Charice!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Muling naging paksa sa usapan sa vlog nina Manay Cristy Fermin ang kamakailang show ni Jake Zyrus sa Amerika. Kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez ipinahayag nila ang kanilang reaction sa nangyaring show.

May nakarating ring pahayag sa kanila mula sa mismong nakapananood sa show.

“Ang hinahanap po kasi, mga ka-Chika, ng ating mga kababayan, 'yung boses na hinangaan nu'ng 15, 16 hanggang 20 itong si Charice. 'Yung bumibirit na Pilipina, 'yung bumibirit na entertainer na ang galing-galing. E ngayon po, Jake Zyrus, bumaba na ang boses. Ibang-iba daw ang performance sabi ng mga kababayan natin sa San Diego.”

Ipinahayag din ni Manay Cristy Fermin na nadismaya lamang ang mga nakapunta at nanood sa show ni Jake Zyrus. Tila hinahanap-hanap nila ang dating boses nito ng si Charice Pempengco pa.

“'Yung mga taga-Old Town, mga hilera 'yan ng mayayaman sa San Diego, nagpunta pa naman do'n para mapanood. Pero nabigo sila noong papauwi na sila dahil, wala, hindi raw maka-relate si Jake Zyrus sa kanyang audience. Lagi raw nakayuko. Lumalakad daw na akala mo maton. Bortang borta daw ang lakad.”

Gayunpaman, ayon kay Cristy Fermin dapat ay hindi pa ring panghinaan ng loob si Jake. Dapat ay patuloy pa rin ito sa kanyang mga ginagawa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo