Mommy Divine Maaaring Ipa-Tulfo ng mga Empleyado!

Linggo, Disyembre 18, 2022

/ by Lovely


Sa latest episode ng Ogie Diaz Showbiz Update nitong December 17, isiniwalat ni Mama Loi ang umano'y conversation nila ng nagpakilalang empleyado ni Mommy Divine Geronimo, ang ina ni Sarah Geronimo Guidicelli. 

Inirereklamo ng nasabing empleyado ang ina ni Sarah Geronimo dahil sa pagmamaltrato umano nito sa kanyang mga empleyado. Ibinahagi din ni Mama Loi ang mga nilabag ni Mommy Divine sa Labor code.

"Violations sa labor code, Hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit na nagtrabaho ng araw na iyon. Walang overtime pay. Walang double pay. Delayed ang sahod, no restdays kahit na magpa-approve ka hindi niya papansinin. Hindi nagbabayad ng government mandated benefit. Hino-hold ang tao pag gusto nang umalis, ayaw payagan agad. Ginigising ang tao kahit na oras ng pahinga para lang magbaba ng mga dala niya. Pinapakain ang mga tao niya ng paa ng manok at paulit-ilit at ulo ng manok,hindi pagpansin kahit na may sakit ang tao. Kagaya nito, hindi na naman siya nagpasahod kahapon," mensahe ng nagrereklamong empleyado kay Mama Loi.

Ayon naman ni Ogie Diaz, talagang makakapagreklamo ang mga ito dahil may screenshots sila na nagpapakitang totoo ang kanilang sinasabi. Sinasabing pabago-bago din ang mga instructions ni Mommy Divine na pati ang mga security guards ay nakikialam umano sa internal affairs sana na dapat employer-employee lamang.

Pinayuhan din ni Ogie Diaz si Mommy Divine na i-settle kaagad ang mga ito bago pa siya ipa-Tulfo ng kanyang mga empleyado.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo