'MoMoL' nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati Naistorbo ng mga Anak!

Martes, Disyembre 27, 2022

/ by Lovely


Kinatutuwaan ngayon ng ilang mga netizens ang ibinahaging update ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account kung saan na disturbo ng kanilang mga anak ni Richard Gutierrez ang paglalabing labing nila.

Makikita sa ibinahaging mga larawan ni Sarah na naghahalikan sila ng kanyang mister ng bigla na lamang nakisali sa picture ang dalawa nilang anak na sina Zion at Kai.

"momol interrupted," pabirong caption ni Sarah sa kanyang IG post.

Agad namang pinusuan ng ilang mga netizens ang perfect timing umano ng dalawang anak upang maistorbo ang moment ng kanilang mga magulang. Umani din ito ng samu't-saring komento mula sa kanilang mga tagahanga.

"I CAN'T WITH THE CAPTION"

"Nabiting inaaaa"

"living for all the momol content"

Kasalukuyang, nagbabakasyon ang magpamilya sa Tokyo, Japan.

Nauna rito, nagtungo naman sa Korea sina Sarah Lahbati at dalawang anak na si Zion at Kai. Sa pagkakataong iyon ay hindi nila nakasama si Richard.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo