Nadine Lustre Hindi Kasama sa Mga Plano Ang Pagkakaroon ng Anak!

Miyerkules, Disyembre 14, 2022

/ by Lovely


Muling ipinahayag ng actress-singer na si Nadine Lustre na wala pa siyang balak na magkaroon ng anak sa kabila ng kanyang edad.

Ayon sa isang panayam i Nadine, wala siyang balak na magkaanak dahil sa laki ng responsibilidad na kaakibat nito at tila hindi pa umano niya kayang buhayin ang mga ito.

“I’m securing myself na. With the things I’m investing in now, and the things that I’m doing, I ask myself, ‘Is this going to sustain me for the rest of my life?’ Nandoon na siya. I don’t want kids yet. I don’t even know if I want kids. Let’s see. If it happens, it happens,” pahayag ng actress.

Matatandaang inihayag ni Nadine sa isang panayam noon na hindi siya takot na hindi magkaroon ng anak in the future dahil maaari naman umano siyang mag-adopt na lamang.

“Just because, there are so many people na on Earth, and I do believe that there are lots of kids who don’t have parents and who need taking care of. So I feel like if I do wanna have kids, I might just adopt. Sustainability!”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo