Naitanong sa award winning actress na si Nadine Lustre kung handa na ba siyang magpakasal sa kanyang French Businessman boyfriend na si Christope Bariou.
Sa acceptance speech ni Nadine para sa pagkapanalo bilang Best Actress sa naganap na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022, nabanggit ni Nadine ang kanyang non-showbiz businessman boyfriend at sinabing isa ito sa mga taong pinasalamatan niya.
Ayon pa sa kwento ni Nadine hindi fan sa horror films ang kanyang boyfriend na si Christophe Bariou subalit napilitan itong manood para suportahan siya.
“He was very supportive talaga kahit nu’ng nagsu-shoot kami. Nagpupunta siya sa location, hinahatid niya ako minsan. He understands I guess how tiring and how taxing kasi nga horror. And usually we would shoot every night, medyo late na din. So he knows how taxing it could be."
“He’s just there to support me and always inspire me and tell me to always give my 110% kahit na may mga days na ‘Ah sige bahala na yan!’ He would always remind me to always give my 110%,” pagkukwento ni Nadine.
Naitanong naman kay Nadine ng ilang mga media personalities kung nagbabalak na ba sila ng kanyang nobyong magpakasal.
Agad naman itong sinagot ng aktres na, wala pa at hindi pa sila ready.
“Ay wala pa, hindi pa ready. Ha-hahahaha!”
Halos hindi din makapaniwala si Nadine Lustre na humakot ng maraming awards at pumatok sa takilya ang kanilang pelikulang Deleter. Subalit labis siyang nagpapasalamat sa mga taong tumangkilik sa kanilang pelikula.
Labis ding natutuwa si Nadine Lustre sa muling pagbabalik ng Metro Manila Film Festival.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!