Nadine Lustre Tuluyan Nang Lumayas Sa Careless Music ni James Reid!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng kanyang opinyon si Cristy Fermin hinggil sa pag-amin ng acress-singer na si Nadine Lustre na umalis na siya sa Careless Music Productions ni James Reid.

Sa isang panayam inamin ni Nadine Lustre na iniwan na niya ang Careless music ng dating kasintahan dahil hindi na umano sila nagkakasundo sa gagawin at napakarami na rin umanong trabaho ni Nadine.

Samantala sa isang episode ng Cristy Ferminute, naglabas ng reaction si Manay Cristy Fermin at sinabing sa wakas ay natauhan na rin si Nadine Lustre.

“Nagpakatotoo na ang Ale. Bumitiw na siya, bumitiw na siya doon sa Careless music production ni James Reid. Ano ang sabi niya?” pahayag ni Cristy Fermin sa nasabing programa.

“Ang sabi niya marami raw silang hindi pagkakasundo tungkol dito sa musika. Hindi naman daw nila kumbaga pinagkakaisahan yuong gagawin niya. E ang dami naman daw niyang trabaho kaya mas gusto niya na umalis na lang kaya ayun, bumitiw na siya talaga,” pagbabahagi pa ni Manay Cristy.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo