Ogie Diaz, Hindi Nagustuhan ang Pahayag ng Netizen Hinggil sa Pamilya ni Daniel Padilla!

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Hindi din nagustuhan ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz ang pandadamay ng basher sa pamilya ni Daniel Padilla sa kanilang bangayan online.

Matatandaang tinawag kamakailan ng isang netizen na “problematic” at “chaotic” ang pamilya ni Daniel Padilla, bagay na inalmahan ng talent manager na si Ogie Diaz at mismong ina ng aktor na si Karla Estrada.

Nag-ugat ang lahat nang pagkumparahin ang tambalang DonBelle at KathNiel. Kung saan sinasabing mas lamang si Donny Pangilinan kaysa kay Daniel Padilla inakusahan pa nito ang aktor bilang isang cheater.

“Sa totoo lang ‘yan, ang layo nun ah. Bakit kailangan magkumpara? Unang-una, magkaribal ba sila? Rival ba sila?” saad ni Ogie.

“Ngayon talaga, ang Donbelle daw ay sumusunod sa yapak ng KathNiel, pero syempre, kakain ka muna ng alikabok para ma-reach mo ‘yung na-reach ng KathNiel,” pahayag ni Ogie sa mga bashers ng KathNiel.

Sumikat ang love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ngayon at sunod-sunod na ang mga proyekto dahilan para hindi maiwasan ng fans na makumpara sa tambalan ng sikat na Kathniel o nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na noon pa man namamayagpag.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo