Ogie Diaz Hindi Pinansin Ni Ricci Rivero Habang Kinakausap Niya Si Andrea Brillantes!

Miyerkules, Disyembre 14, 2022

/ by Lovely

Ricci Rivero tila wala daw sa mood nang kinapanayam ni Ogie Diaz ang girlfriend na si Andrea Brillantes.

Kamakailan lamang ay parehong nagpunta sina Ogie Diaz at magkasintahang Ricci Rivero at Andrea Brillantes sa birthday party ng aktor na si Ruru Madrid.

Agad din umanong kinausap ni Ogie Diaz si Andrea Brillantes at sinabihang lalo itong gumaganda ngayon. Siguro ay dahil sa katabi nito na walang iba kundi ang nobyo na si Ricci Rivero.

"Bakit lalong gumaganda si Andrea? Dahil sa katabi mo?" ani Ogie Diaz kay Andrea Brillantes.

Subalit, napansin umano ni Ogie Diaz na habang kinakausap niya si Andrea Brillantes ay hindi man lang lumilingon si Ricci Rivero.

"Parang wala siyang ganang kausap pero okay lang...Baka wala lang sa mood ang lolo mo," pag-iisip ni Ogie Diaz.

Matatandaang nauna nang ibinahagi ni Ogie Diaz na si Andrea Brillantes ang napili ng ABS-CBN upang gumanap bilang bagong Dyesebel sa remake na gagawin sa darating na taong 2023.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo