Labis na nalulungkot ngayon ang magkarelasyon na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte dahil hindi pa rin nila nababawi ang mga nawala nila matapos mabiktima ng basag-kotse gang.
Bukod sa tatlong mamahaling Iphones, nabanggit ni Ronnie na may P1 billion silang crypto currency sa natangay na cellphone at nahihirapan na umano silang ma-retrieve iyon.
“Bangko kasi namin nandu’n. ‘Yung mga naka-save namin. Meron pa kaming crypto sa phone na nawala na may malaking halaga din. Kaya medyo nakakalungkot din. Ngayon wala na yung na-save namin. More or less, siguro 1B pesos. Pag crypto mahirap kasi once na nawala, wala na talaga. So hindi na mabablik,” pahayag ni Ronnie.
“Hindi na siya nabubuksan kasi nasa cellphone talaga siya, eh. Pag nawala na, kasama na yung value. Feeling ko hindi na nila makukuha kasi may password. Ini-report na namin sa bangko pero kapag crypto kasi baka wala na kasi. Hanggang alas-tres ata kami sa police nung time na yun na madaling araw. Nakaka-trauma talaga yung experience na yun. Nabenta na yun feeling ko, kasi na-locate yung cellphone namin sa Find My Phone, nandun na sa Festival Mall. Wala na, nabenta na yun. May nakabili na. Pero okay lang, safe na. Huwag na lang maulit,” dagdag naman ni Loisa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!