Partner ni Jovit Baldivino Isiniwalat Ang Totoong Nangyari Sa Singer!

Martes, Disyembre 6, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag ang kinakasama ng singer na si Jovit Baldivino hinggil sa totoong kalagayan ngayon ng singer sa hospital.

Naunang naiulat na bigla na lamang nag-collapse si Jovit sa party na pinuntahan noong December 4. Agad din itong isinugod sa hospital kung saan inoperahan dahil pumutok pala ang isang ugat sa ulo.

Naunang tumanggi ng pamilya nito na magbigay ng pahayag subalit tila hindi na nakatiis ang live-in partner nito na si Camille Ann Miguel. Nagbigay na ng pahayag si Camille at nilinaw ang totoong kalagayan ng singer.

Ayon dito, totoong nasa hospital si Jovit Baldivino subalit hindi umano totoo na nag-collapse ito sa isang party. Sinabi rin niyang dasal ang kailangan nila ngayon at hindi pagpapakalat ng maling information.

"Sa Lhat po ng nag Popost sa asawa ko siguraduhin nyong tama ang post nyo at d kau nakakatulong lalo nyo pinalalala d kau nakakatulong matuto kau humingi ng permission..wag nyo pong palalain ang sitwasyon nya!!!!!!makapag post lng kau...prayers po ang kailangan nmn d ang maling post nyo!" pagbabahagi nito sa kanyang Facebook account.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo