Pastor Apollo Quiboloy, Dapat I-Extradite Bago Litisin Sa U.S.

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng opinyon ang dating dean ng University of the Philippines (UP) College of Law na si Pacifico Agabin at iginiit niya na hindi maaaring litisin ang mga kaso ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo Quiboloy sa United States hangga’t hindi ito nai-extradite.

“Kung nandito siya sa Pilipinas ay walang magagawa ang FBI (Federal Bureau of Investigation). Habang nandito si Pastor sa Pilipinas, wala silang magagawa doon sa Amerika,” pahayag ng dating dean sa isang radio interview nitong Lunes, Disyembre 12.

“Ang gagawin ng Amerika ay kailangan magpadala ng extradition request dito sa Pilipinas. Ang extradition maraming proseso ang kailangan doon. Kung di papayag si Presidente, walang magagawa ang Amerika. Kung ma extradite si Pastor, doon lang magkakaroon ng trial sa Amerika,” aniya pa.

“Siyempre ipe-pressure ang presidente dahil alam natin na maraming pressure ang magagawa ng Amerika kung ayaw nila yung action ng presidente o pangulo ng isang bansa,” dagdag pa nito.

Matatandaang isinakdal si Quiboloy noong Nobyembre 2021 at inilagay na rin ito sa most wanted list ng FBI. Dahil sa mga kinakaharap na mga kasong conspiracy to engage in s*x trafficking by force, fraud at coercion, s*x trafficking of children, s*x trafficking by force, fraud and coercion, conspiracy at bulk cash smuggling.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo