Nagbigay ng sariling pananaw si Pia Wurtzbach hinggil sa Filipino Culture na 'Utang Na Loob'. Naiisip umano niya kung hanggang kailan magpapabiktima ang mga Pilipino sa toxic culture na ito.
Sa latest episode ng kanyang online show na 'Holding Space' inihayag ni Pia ang mga Filipino traits na sa tingin niya ay toxic.
“May isa akong naalala na toxic culture ng Filipinos, ‘yung utang na loob, di ba? Kasi parang walang kamatayan na utang na loob. Parang kailan ba mababayaran ang utang na iyan? Parang kapag may mabuti kang ginawa sa isa, laging meron inaasahang kapalit,” pahayag ni Pia sa kanyang mga kasamahan sa show.
Samantala, marami namang mga netizens ang sang-ayon sa pananaw na ito ni Pia tungkol sa walang katapusang Utang Na Loob.
Narito ang ilang mga komento ng netizens hinggil sa pahayag ni Pia Wurtzbach.
“Grabe no! Talagang nakakaloka na ang utang na loob na yan. Gamit na gamit yan kahit wala na sa lugar.”
“Just saying…walang kabayaran ang pagtanaw ng utang na loob kaya pang forever yan. Masyadong overrated ang utang na loob dito sa Pilipinas.”
“Magandang trait sana ng Filipinos ang pagtanaw ng utang na loob pero may mga umaabuso kaya nawawalan yung essence niya. Yung iba kahit bayad na sa utang na loob ayaw pa ring tumigil sa paniningil.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!