Pinasl@ng na Maguad Siblings Hindi Pa Rin Nakukuha Ang Totoong Hustisya!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Isang taon matapos matagpuang wala ng buhay ang magkapatid na Maguad sa kanilang tahanan, muling sinariwa ng kanilang ina ang karumal-dumal na pagpaslang sa kanila.

Ipinahayag din ng ina ng Maguad siblings, ang labis na pagka dismaya dahil para sa kanya ay hindi pa rin tuluyang nakukuha nila ang hustista.

Matatandaan na dakong alas-2:00 ng tanghali noong December 10, 2021 nang maganap ang krimen. Ayon sa imbestigasyon, walang awang pinagsasaksak at minartilyo ang magkapatid na Maguad na sina Crizzle Gwynn at Crizville Louis sa sarili nilang tahanan. 

Samantala sa isang Facebook post inihayag ni Lovella Maguad na malaki ang pinagbago ng kanilang pamilya mula nang mapaslang ang kanilang mga anak.

Ipinagdidiinan din ng ina na 'at peace' pa rin ang mga kriminal dahil pinangangalagaan ito ng batas. Pakiramdam din umano nila na naging sacrificial lambs ang kanilang mga anak dahil hindi pa rin nagigising ang mga tao hinggil sa juvenile law.

“Gwynn and Boyboy didn’t deserve to be charged as sacrificial lambs after realizing that the purpose was never an eye opener (as most thought to be) for the whole world, juvenile law advocates, lawmakers, social welfare workers and other govt agencies or the govt itself to review the juvenile law but to show to the public how weak or poor our justice system is,” saad ni Lovella.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo