Rendon Labador, Nag-Aya Ng ‘No Holds Barred Interview’ Kay Alex Gonzaga!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng kanyang opinyon ang vlogger na si Rendon Labador sa naging pahayag ni Alex Gonzaga tungkol sa isang matandang artista na nang-okray sa kanya mula ulo hanggang paa.

Hinamon ni Rendon ng isang 'no holds barred interview' si Alex Gonzaga para malaman na ng lahat kung ano ang katotohanan.

“Alex gusto mo interview kita para mag kaalaman? Kung totoo yang sinasabi mo. NO HOLDS BARRED INTERVIEW. Sa totoo lang tayo. Mahirap sa inyo puro kayo blind item. Walang credibility diyan. Sabihin mo kung sino,” pahayag at hamon ni Rendon kay Alex.

Matatandaang, hindi naman pinangalanan ni Alex Gonzaga kung sino ang tinutukoy niyang matandang artista sa kanyang pa-blind item. Subalit, ayon sa mga netizens na ang beteranang aktres na si Dina Bonnevie ang tinutukoy ni Alex.

“Talagang sinabihan ko siya, ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name have you made? Have you carved your name in stone in showbiz? Your call time is 9:00 and you come down from your van at 12:00 na naka-pajama? Really? Sabi ko sa kaniya, ‘Hindi pa pinapanganak ang babastos sa akin’. If you want to continue taping this soap like this, do it yourself…” pahayag ni Dina noon sa isang interview.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo