Rendon Labador Sinabing 'Deanna Tuto' si Deanna Wong!

Linggo, Disyembre 25, 2022

/ by Lovely


Agad na nagbigay ng reaction ang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador sa panibagong video na kumakalat ngayon kung saan may itinaboy umanong fans si Deanna Wong.

Makikita sa nasabing video na may binatilyong nilapitan si Deanna Wong subalit tila itinaboy ito ng volleyball player. Agad naman itong ipinagtanggol ng kanyang mga tagahanga.

Samantala, agad na ibinahagi ni Rendon Labador sa kanyang social media pages ang nasabing video kalakip ang kanyang komento hinggil sa ipinapakitang ugaling ito ni Deanna. Sinabihan pa niya itong hindi pa rin umano natuto si Deanna.

“As a public figure, we have a social responsibility and a moral obligation to inspire others. It is a privilege! Don’t take that for granted!” pahayag ni Rendon.

“Public behavior is merely private character. #DeannaTuto,” caption ni Rendon sa kanyang post.

Matatandaan noong naunang inintriga ang team ng pang-iisnab ay isa rin si Rendon sa mga nagbigay ng mga opinyon tungkol sa team. Sinabi pa niyang dapat isama sa training ng coach ng mga ito ang pag-aaral ng GMRC.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo