Rendon Labador Sinupla Ang Pagrereklamo ni Dennis Padilla!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


Muling nag-react ang motivational speaker at social media influencer na si Rendon Labador pagrereklamo ng komedyanteng si Dennis Padilla sa “overpriced” na presyo ng mga pagkaing inorder nila ng balikbayang kaibigan, sa isang seafood restaurant na nasa seaside.

Ayon kay Dennis, pakiramdam daw niya ay naholdap ng resto ang kaniyang kaibigan dahil umabot sa mahigit ₱38K ang bill na binayaran nito, para sa 7 pax.

Ipinaabot pa ni Dennis ang kanyang reklamo sa ahensya ng gobyerno upang mabigyan umano ng aksyon ang mga ganitong gawi ng mga kainan. Lalo na't maraming mga OFW na magsisiuwian ngayon sa bansa, dahil holiday season.

Ayon kay Rendon Labador, hindi sa lahat ng pagkakataon, maaring gamitin ang “customer is always right”. Sana raw, inalam muna ng kampo ni Dennis ang presyo ng mga pagkain bago sila umorder roon at kumain.

“I-base natin ang TASTE natin kung ano lang ang AFFORD natin. CUSTOMER IS NOT ALWAYS RIGHT. Let’s be fair sa mga negosyante din! Sa dami ng kumain diyan ikaw lang nagreklamo,” pahayag ni Rendon Labador.

Sa isang video pinayuhan din ni Rendon Labador si Dennis Labador na alamin muna ang presyo ng pagkain bago umorder hindi yung nagpapasarap sa pagkain na hindi naman pala afford.

“Kung wala kayong pera, kung limitado yung pera ninyo, eh magtanong muna kayo. Ang yabang n’yong umorder eh, puro kasi kayo payabangan, tapos magrereklamo kayo kapag mahal, kapag hindi n’yo afford.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo