RR Enriquez Binalikan ang Kanyang Hairstyle Na Katulad Kay Bea Alonzo!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng Sawsawera Queen na si RR Enriquez ang mga larawan ni Bea Alonzo sa kanyang isinagawang party para sa kanyang team.

Ang nasabing photo ay kuha ng Nice Photography kung saan makikita ang kagandahan ng aktres na suot ang curly hair with bangs hairstyle.

Kabilang sa mga photos ni Bea Alonzo, ibinahagi rin niya ang kanyang mga throwback photos kung saan makikita na suot din niya ang parehong hairstyle ni Bea Alonzo.

"Nagkulot din naman ako at nag bangs pero bakit hindi ganyan kaganda????” pahayag ni RR sa caption ng kanyang post.

Idinagdag pa niya ang pagiging 'unfair' ng sitwasyon nila.

Samantala, agad na humakot ng mga komento mula sa netizens ang pagkukumpara ni RR.

"Pang Cleopatra po ang datingan mo kapag naka bangs ka po Ms. RR."

"Napadami hibla ng bangs mo ms.rr Ung kay ms.bea 20 piraso sau umabot ng 50"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo