Sarah Geronimo, Walang Paki sa Isyung Kinakaharap ng Ina?

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Muling naging laman sa usapan nina Manay Cristy Fermin ang isyung kinakaharap ng ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine.

Napansin umano ni Manay Cristy Fermin na halos lahat ng mga news outlets at vlog ay nais malaman ang masasabi ni Sarah Geronimo hinggil sa isyu kinakaharap ng ina.

Kaya naman si Manay Cristyna rin mismo ang nagbigay ng sa tingin niya ay pananaw ni Sarah hinggil sa pagkakasangkot sa isyu ni Mommy Divine.

“Hindi niya po ito kinokomentuhan, siyempre pa, dahil napakasakit naman talaga para kay Sarah ang inaabot ni Mommy Divine na reklamo ng kanilang mga tauhan ngayon.” 

Bagama't hindi nagbibigay ng pahayag alam umano ni Manay na mahirap din para kay Sarah na nagkaroon ng ganoong isyu ang kanyang ina ngayon.

Tila alam din umano ng singer na kung sakaling sasali pa siya ay lalo lamang lalala at lalawak ang isyu. Ipinagdidiinan din ni Manay Cristy Fermin na hindi naman si Sarah ang makakaresolba ng isyu kaya bakit pa kailangan ang pahayag nito.

"At saka hindi po si Sarah ang makakaresolba ng problema ni Mommy Divine sa kanilang mga empleyado, kundi mismong ang kanyang ina. Ano po ang magagawa ni Sarah? Magkokomento siya, hahaba nang hahaba. Kaladkad na nga po ang pangalan niya. Puhunan na nga siya sa isyung ito.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo