Sen. Risa Hontiveros Nagreklamo sa Pagpapadali ng Maharlika Fund!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Ipinahayag ni Senador Risa Hontiveros ang kanyang pagkadismaya matapos inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos bilang certifird urgent ang Maharlika Investmend Fund.

“Certify urgent? Eh kung ang gawin munang urgent kaya ay ang pagbaba ng presyo ng pagkain para may disenteng Noche Buena, ang pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa lalo ang mga teacher at health workers, at ang ayuda sa matatanda, solo parents at mga may kapansanan?” pahayag ni Risa Hontiveros nitong byernes December 16.

Sinabi pa ni Hontiveros, na premature at misplaced priority ang Maharlika Fund. Nagpasaring pa siya na distracted na naman ang gobyerno.

“Our economy is already hurting now, imagine the world of pain we’ll be in if we rush head first into a P250 billion mistake,” dagdag pa ni Risa Hontiveros.

Nitong Huwebes, naaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 6608 o ang Maharlika Investment Fund (MIF). Kung saan 279 na mambabatas ang pabor dito at anim naman ang hindi pabor sa nasabing bill.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo