Show ni Jake Zyrus sa Amerika Isang Flop, ayon sa Source ni Ogie Diaz!

Biyernes, Disyembre 16, 2022

/ by Lovely


Sa latest episode ng vlog ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel na Ogie Diaz Showbiz Update, isiniwalat ni Ogie Diaz na sinabihan siya ng kanyang source na nag-flop daw ang show ni Jake Zyrus sa Amerika.

Ayon sa isang source ni Ogie Diaz, noong December 10, nagkaroon umano ng show si Jale Zyrus sa San Diego, USA. Subalit sa kasamaang palad isa umano itong flop.

"More or less 700 ang capacity, e parang wala pang 200 yata ang umattend," pahayag ni Ogie Diaz sa kanyang vlog.

Ito ay sa kadahilanang mas gusto ng karamihan ang dating boses ni Jake Zyrus habang siya ay si Charice Pempengco.

"Ang sabi ng iba na hindi nakapanood ng concert, intensyunal na hindi sila manood kasi gusto raw nila yung boses nung Charice Pempengco pa siya" 

Mapapansing hindi na nakakabirit si Jake na dati niyang nagagawa noong si Charice pa siya. Ito rin umano ang inaabangan ng iba at labis nilang hinahangaan sa katauhan ni Charice. Gayunpaman, masasabing ang mga dumalo ay todo suporta pa rin kay Jake sa kabila ng kanyang napiling kasarian. 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo