Bubuksan na sa publiko ang isa pinakakinatatakutan, at pinakaiiwasang ng mga local residents sa lungsod ng Baguio, ang Laperal White House.
Una nang naibalita na ipina-renovate ang puting Victorian architecture-inspired mansion nitong unang linggo ng Disyembre. Kamakailan lamang ay, muling ipinasilip sa publiko ang mansion na nakatakdang magbukas sa darating na December 26 bilang isang upscale dining restaurant.
Agad namang umani ng kaliwa't kanang reaksyon mula sa ilang netizens ang balitang ito.
"Laperal White House na tinuturing naming Haunted House noong mga bata pa kami.
Eto na siya ngayon at bagong magiging tambayan sa Baguio, magiging restaurant na! Kung wala kang ka-date, malamang may makakatabi ka naman dun sa tabi tabi. Malay mo makita mo bigla sa cr 😅✌️" caption ni Darwin Dela Cruz sa kanyang pahayag tungkol sa haunted house turned restaurant.
"Wala po bang biglang bumubulong diyan na humihingi ng hustisya?" komento ng isang netizen.
"Dapat ang uniform ng mga waiters at waitresses dito ay barong at saya😂 Magkalituhan na😂" hirit naman ng isa pa.
Ayon sa kuwento ng lugar, ang mansyon na ito ay naging saksi sa nangyaring trahedya sa Pamilyang Laperal na nauwi sa pagkamatay sa lahat ng miyembro nito sa iba’t ibang bahagi ng bahay.
Dagdag nito, nagsilbi rin umanong garison ang mansyon ng mga Hapong sundalo noong kasagsagan ng World War II.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!