Sikat Na Kapamilya Star Nagsisisi Na Umalis Sa ABS-CBN?

Biyernes, Disyembre 30, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng saloobin ang dating sikat na Kapamilya star sa isyung nagsisisi na umano siya sa pag-iwan sa dating ka-love team at girlfriend. Maging ang pag-alis din sa network ay iniintrigang pinagsisisihan din umano nito.

Sa naging panayam sa singer-actor na si James Reid inilahad niya na wala siyang pinagsisihan sa kanyang desisyong makipaghiwalay sa dating kasintahan na si Nadine Lustre at sa pag-alis sa ABS-CBN.

Ang mga nagawa niya umanong desisyon na ito ang siyang naghubog sa kanya kung nasaan siya ngayon.

Ipinahayag din ni James Reid na 'not guilty' at hindi siya nagsisisi sa naganap na break-up sa kanyang ex. Dahil ayon sa kanya, ayaw niyang mamuhay sa pagsisisi.

"But in the end, I really don't regret anything. I just don't live with regret. It's not something I want to have in my life, and everything that happened I've just have to accept that it happened. And it really shaped who I am," pahayag ni James.

Ang actress na si Nadine Lustre ang huling nakarelasyon ni James Reid. Naghiwalay ang dalawa noong 2020 matapos ilang taong relasyon.

Naghiwalay man, may mga proyekto pa rin silang magkasama sa katunayan ini-launch ni Nadine ang kanyang music career sa music label ni James Reid.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo