Solenn Heussaff Nanganak Na Sa 2nd Baby, Healthy Baby Girl!

Huwebes, Disyembre 15, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng mister ni Soleen Heusaff na si Nico Bolzico na isinilang na ni Soleen ang kanilang second baby.

Sa ibinahaging video ni Nico sa kanyang Instagram account, makikitang nasa isang facility na sila at nakasuot na siya ng PPE.

“What a crazy day today! Argentina qualified to the finals with [Lionel] Messi playing a great game, and we just had a super healthy baby girl,” pahayag nito sa ipinost na video.

Ayon sa caption ipinahayag ni Nico na si Soleen ang magbibigay ng pangalan ng kanilang baby girl subalit tiyak umanong may Lionel ang pangalan nito. Mula kay Lionel Messi ang namuno sa kapunan ng kanilang bansa sa paglalaro ng football.

“I let her mama to introduce her later. But one thing is confirmed, her second name is ‘Lionel.’” caption ni Nico sa kanyang video post.

Agad na umano ng mga mensahe ng pagbati mula sa kanilang mga kaibigan para sa matagumpay na panganganak ni Soleen.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo