Pumanaw na habang natutulog ang tinaguriang "Queen of Kundiman" at "First Lady of Philippine Television" na si Sylvia La Torre.
"RIP to my grandmother, Ms. Sylvia La Torre Perez de Tagle.- First Lady of Philippine Television, Queen of Kundiman and Tandang Sora Awardee, devoted wife of Dr. Celso Perez de Tagle, loving mother, grandmother and great-grandmother, caring auntie, and affectionate friend, died peacefully in her sleep," pagbabahagi ng apo nitong si Anna Maria Perez de Tagle.
Binawian ng buhay si Sylvia habang natutulog bandang 7:02 ng umaga nitong Dec. 1, 2022. Si Sylvia ay isang singer at nagsimula sa kanyang career noong 1941 at gumanap sa 'Ang Maestra'.
Ayon sa records, nakagawa ng mahigit 300 songs si Sylvia mula noong 1950. Ilan sa kanyang mga kantang sikat ay ang folksong na, 'Sa Kabukiran', 'Mutya ng Pasig' at 'Waray-Waray'.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!