Tikt0ker Na Inisnab Ni Deanna Wong, May Inamin!

Huwebes, Disyembre 8, 2022

/ by Lovely


 Naglabas ng isang nakakagulat na rebelasyon ang tiktoker na nag-upload ng video ng umanong pang-iisnub ni Deanna Wong.

Sa bagong Tiktok video na inilabas nito, inamin niya kinausap naman pala siya ni Deanna Wong at sinabihang next time nalang dahil tila nagmamadali talaga ito.

“Deanna Wong ‘yun, ganito lang oh, ganito lang ‘yung agwat namin, hindi ba kayo lalapit? Kinausap niya naman ako, sabi niya ‘Next time na lang daw’ sabi ko ‘Wala nang next time, minsan lang ako lumuwas ng Maynila’,” depensa ng Tiktoker sa kaniyang sarili.

Subalit tila hindi ito matanggap ng mga tagahanga ni Deanna dahil nasira na umano nito ang image ng player at team nito.

Matatandaang ang nasabing video ang lalong nakapagpatibay sa paniniwala ng ilang mga netizens na totoong maattitude si Deanna.

Sa ngayon ay tila naka private na ang account ng tiktoker.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo