Toni Fowler Muling Isinugod sa Hospital!

Martes, Disyembre 20, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng online personality na si Toni Fowler ang kanyang larawan nung isugod siya sa hospital.

Ayon kay Toni Fowler ang dahilan ng pagkakahospital niya ay dahil sa labis na pagpupuyat. Naging sunod-sunod ang pagpupuyat niya dahil sa pagla-live selling sa kanyang Tiktok shop. Kaya naman nangangailangan siya ngayon ng pahinga.

'Guys.. ilang araw ako sunod sunod puyat sa pag la-live tiktok shop ko. Magpapahinga na muna ako. Baka tumagos na ko sa pinto ng toro de palacio. Itutulog ko muna to,' caption ni Toni Fowler sa kanyang Facebook post.

Maging ang boyfriend ni Toni Fowler na si Vince Flores ay labis na nag-aalala para rito. Nababahala na rin umano ito sa paulit-ulit na pagkakasugod sa hospital ng kanyang girlfriend.

"Malapit na matapos yung taon nasa hospital ka nanaman Jowa naka ilang pa ospital ka ngayong taon pero kahit na ganun andito lang ako palagi para sayo. Pasensya na kung pa minsan eh nagkukulang ako sa pag aalaga ko sayo, get well soon Jowa I love you Toni Fowler," saad ni Vince.

Agad namang bumuhos ang panalangin mula sa mga tagasuporta ni Toni Fowler. Hiling nila ang agarang paggaling ng online personality.

"Magpahinga k din ms. Toni Fowler wag ganyan..mahalaga ang kalusugan...god bless po."

"Pagaling kapo mommy oni pagdadasal po namin ang fast recovery mo mommy oni get well soon po mommy oni mahal ka po namin mommy oni ilove you mommy oni."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo