Labis na nainspire ang aktres na si Toni Gonzaga sa pinagbidahan pelikula na kalahok sa Metro Manila Film Festival na My Teacher kaya napagdesisyunan niyang bumalik sa pag-aaral sa susunod na taon.
Sa pagbabalik eskwela ni Toni Gonzaga, balak niyang mag-aral ng law. Sa ngayon ay kasalukuyan nang naghahanap ng university na maaring pasukan.
“Parang ang sarap mag-aral ng batas. Ang galing kasi ng mga friends ni Paul na lawyers… when they talk to me, may foundation ng law mga sinasabi nila. ‘No, you can’t do that because according to the law…’ Tapos ako, ah ganun pala, you can’t sue them because base on the law, ganyan-ganyan… Ang galing pag-alam mo talaga ‘yun batas,” pahayag ni Toni Gonzaga sa isang panayam.
“Next year, that’s my dream… babalik ako sa school. “‘Yun ang nakita ko sa sarili ko. ‘Yan ang target ko this 2023 – mag-aral dahil sa pelikulang ito. I want to go back to school because when we were doing this film, nagre-research ka at nakikita mo na it’s really possible and ang daming bumabalik sa school,” dagdag pa ng actress.
Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga tagahanga at maging sa nga bashers ni Toni Gonzaga.
"Go, Toni, be a lawyer. You are best in your field now and have reached that level others are still dreaming of. Nice to try other field, who knows you will show your best there too."
"Good. So you can learn something about common decency and respect to people."
"You need not go back to school. You are already the most powerful woman. What you need is common sense and conscience."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!