Agad na nagpaabot ng pakikiramay at pakikidalamhati kay Andrew Schimmer sa pagpanaw ng asawa nitong si Jho Rovero ay ang veteran TV5 news anchor na si Julius Babao.
Pagsisiwalat ni Julius sa kaniyang Instagram post nitong December 21, sila sana ng kanyang misis na si Christine Bersola ang kukunin sanang ninong at ninang ni Andrew para sa darating na kasal sa simbahan nila ni Jho.
Sa isang mahapong caption ay ibinahagi ni Julius ang kanyang pakikidalamhati sa nararamdamang lungkot ngayon ni Andrew Schimmer. Kalakip nito ay ang screenshot ng usapan nila noon ni Andrew kung saan hiniling nito ang kanyang permiso upang kunin silang ninong/ninang at witness sa kanilang kasal sa simbahan.
"Kami po ay nakikiramay kay Andrew Schimmer at sa kanyang mga anak at sa pamilya Rovero sa pagpanaw ni Jorhomy. Grabe ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Andrew para masigurong mabubuhay ang kanyang asawa subalit ipinagkait pa din ito sa kanya kung kailan papalapit na ang pasko. Hindi ko kayang ipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman.
"Ang alam ko lang si Andrew ay isang mabuting halimbawa ng asawa, isang matapang na nilalang na hindi susuko sa ano mang pagsubok sa buhay. Noong isang linggo kinausap ako ni Andrew para tumayong ninong at ninang kami ni @christinebbabao sa kasal nila ni Jorhomy. Ako ay nalulungkot dahil hindi na ito nangyari.
"Gayunman, tinatanggap pa din naming maging ninong ng kanilang abot langit na pag-iibigan hindi man ito nauwi sa simbahan. Ang mahalaga sa mata ng Diyos at ng tao, wagas ang pagmamahalan nilang dalawa. Isang kwento ng pag-ibig na pag-uusapan sa mga daraan pang mga panahon."
Nitong December 29, 2022 tuluyang pumanaw si Jho Rovero matapos ang mahigit isang taong pakikipaglaban sa kanyang sakit.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!