Valentine Rosales Hindi Naniniwalang Nagkasama sina Cristy Fermin at Alex Gonzaga sa isang Project!

Huwebes, Disyembre 22, 2022

/ by Lovely


 Agad na dinepensahan ng online personality na si Valentine Rosales ang vlogger at TV-host-actress na  si Alex Gonzaga, laban sa mga ibinigay na pahayag ni Cristy Fermin.

Ayon kay Cristy Fermin, nakasama din niya sa show na 'Juicy' si Alex at parang totoo ang sinasabi ni Dina dahil palagi itong nali-late. Laging pinapalusot umano ni Alex na may iba pa siya project.

Ang punto ni Manay Cristy ay kung hindi naman kaya ni Alex ang magkasabay na proyekto mas mabuti pang timbangin kung ano ang dapat umanong bitawan.

Samantala, ayon sa inilabas na komento ni Valentine, nakasama na niya noong sa Tropang LOL si Alex. Ayon kay Valentine ok at napakabait ni Alex Gonzaga. Tila imposible din umano na magkasama sina Alex at Cristy Fermin sa iisang proyekto dahil sa agwat ng edad nito.

Pinapatigil na din niya ang mga taong naninira umano kay Alex. Tinawag din niyang maritess at Amaccana Lola si Cristy Fermin.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo