Valentine Rosales, Itinama ang komento ni Rendon Labador sa Kanyang Pagpaparetoke!

Martes, Disyembre 13, 2022

/ by Lovely


Hindi nakapagtimpi ang social media personality na si Valentine Rosales sa naging pahayag ni Rendon Labador hinggil sa kanyang pagpaparetoke.

Kaagad na inalmahan ni Valentine Rosales ang pahayag ni Rendon tungkol sa paghahanap ng validation sa iba at hindi umano tanggap ang sarili. Itinama din ni Valentine si Rendon at ipinahayag ang kaibahan ng improving and changing.

Sinabi din ni Valentine na sayang at hindi maaring iparetoke ang utak para kay Rendon.

“Rendon Labador Hello po, sayang walang retoke sa utak at perspective kasi mukhang kailangan mo talaga yon bebe at dahil sinabi mo naman na paki-tama kung mali ka, unang una sa lahat iba po ang improving vs changing. Iniimprove ko kung ano ang meron ako instead of changing or binabago ko kung ano ang meron ako.”

“Kunwari pinanganak akong may ari eh hindi ko yun iibahin. Ikaw nga po nagpapalaki ka ng katawan at nagji-gym ibig sabihin naghahanap ka ng validation sa ibang tao para maging macho hindi mo din tanggap sarili no na mataba/mapayat ka? Same reason sa pagpaparetoke ko ‘yan, hindi ako naghahanap ng validation sa ibang tao, The only validation I am looking for is validation from myself.”

“Gusto ko guwapo ako kapag nakikita ko sarili ko sa salamin. Kung dito naman ako nagkakaron ng boost of self confidence and love for myself why not diba? Wag nalang po tayo mangeelam at lalo na wag tayo maging assuming. Kasi may kanya kanya po tayo reason bat natin inaayos ang image natin.”

 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo