Valentine Rosales Sumawsaw Sa Isyu Ni Deanna Wong! Naghahanap ng 'Hakdog'?

Miyerkules, Disyembre 7, 2022

/ by Lovely


Tila sumasawsaw ngayon sa isyu ni Deanna Wong ang isa pang online personality na si Valentine Rosales.

Nagbigay ng komento si Valentine Rosales sa naging pahayag ng jowa ni Deanna Wong na si Ivy Lacsina hinggil sa kinakaharap ngayon ng player. Ayon kay Ivy sasamahan niya sa lahat ng laban si Deanna at hindi niya ito pababayaan.

Matatandaang inisyu ngayon ang buong team ni Deanna sa pagiging snubish sa mga fans.

Samantala ayon sa komento ni Valentine sinabi niyang, sasamahan ni Ivy si Deanna na mang-snub.

“Samahan kang mang-snub, kung maka-deadma kala mo may hakdog eh, et-eats reveal naman jan,” komento ni Valentine.

Agad naman itong umani ng samu't-saring reaction at komento mula sa mga netizens. Agad na umalma ang mga fans ni Deanna at sinabing nakikisawsaw na naman si Valentine upang makakuha ng followers.

Ipinaalala din ng iba na noong si Valentine ang may isyu ay hindi naman nakialam si Deanna Wong.

Samantala, kinatuwaan naman ng mga bashers ni Deanna ang naging pahayag ni Valentine tungkol sa pagkakaroon ng hakdog.

“Hayaan n’yo na po kahit walang hakdog or et-eats..Yung iba nga may hakdog o et-eats di naman nagagamit naka-stock lang namuti na sa kojic,😂 charrr about snob lang tayo hindi about hakdog.”

Noong Dec. 5 ay nagpost si Valentine at sinabing i-ayon ang pa-iisnub sa butas ng ilong.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo