Vhong Navarro Nakausap ni Ogie Diaz Hindi Daw Muna Babalik Sa Showtime!

Miyerkules, Disyembre 21, 2022

/ by Lovely


Naging laman sa usapan nina Ogie Diaz at Mama Loi sa latest episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro.

Sa kanilang usapan, naibahagi ni Ogie Diaz ang umano'y  pag-uusap nila ng actor-host na si Vhong Navarro.

“Hindi pa muna siya babalik sa 'It's Showtime.' Pero babalik din siya,” pagbabahagi pa ni Ogie.

Sa ngayon ay mas ini-enjoy muna ni Vhong Navarro ang kanilang bonding ng mga anak.

“Pero sa ngayon, ini-enjoy niya nga muna 'yung kanyang mag-iina. Katulad 'yung mga anak niya na medyo dinapuan din ng anxiety, ng depression mula nung ang kanilang ama ay nakulong kaya ngayon ay ini-enjoy nang bonggang-bongga ni Vhong 'yung kanyang mag-iina lalo na 'yung kanilang mga kids.”

Ayon naman kay Mama Loi na dapat intindihin din na nais ni Vhong Navarro na makasama ang pamilya ngayong holiday season.

“Siyempre gusto ni Vhong, itong Pasko at Bagong Taon ay magkakasama sila na walang ibang iniintindi na trabaho kundi 'yung kanyang mga anak lang.” 



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo