Vice Ganda, Nagbabait-baitan Lang Daw!

Biyernes, Disyembre 23, 2022

/ by Lovely


Isa ang comedian, host at actress na si Vice Ganda sa mga naging paksa sa online program na Cristy Ferminute.

Ayon kay Cristy Fermin, nakarating sa kanya na may mga basher na sinasabing nagbabait-baitan lamang si Vice Ganda, dahil sa upcoming movie nito na isa ring entry sa muling pagbabalik ng Metro Manila Film Festival kasama ang sexy actress na si Ivana Alawi.

“Unang isyu 'yung pinuntahan niya si Toni Gonzaga doon sa karosa ng pelikula nila ni Joey de Leon, 'My Teacher.' Pangalawa, 'yung kumain sila ng mga kabarkada niya at napansin niya na luma na ang mga kagamitan, binigyan niya si manang tindera ng pambili ng mga bagong mga utensils,” pahayag ni Manay Cristy Fermin.

Napansin umano ng mga netizens na sa tuwing may bagong pelikulang ipapalabas si Vice Ganda ay ganito palagi ang kanyang gawain.

Hindi naman umano ito palaging ginagawa ni Vice Ganda, kaya naman may mga nagsasabing nagbabait-baitan lamang si Vice.

“Ito ay napapansin lamang, mga kapatid, kung inyo ring napapansin, kapag may pelikula si Vice Ganda. Hindi niya naman po ginagawa kasi ang ganito palagi. Kaya ang sabi ninyo, 'yung mga bashers, bait-baitan.”

Saad naman ni Romel na napaka 100% ng timing naman sa mga ginagawa ni Vice Ganda.

Agad naman itong sinagot ni Manay Cristy, “Parang 'yun ata ang minaster ni Vice Ganda e, 'no? 'Yung timing, 'yung tamang timing."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo