Vice Ganda Nagbigay ng Pahayag sa Muling Pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime!

Linggo, Disyembre 18, 2022

/ by Lovely


Isa sa mga inaabangan ng madlang pipol ay ang muling pagbabalik ni Vhong Navarro bilang co-host ng noontime show na It's Showtime.

Kaya naman ayon kay Vice Ganda hindi nawawala ang tanong kung kailan magbabalik sa Showtime si Vhong Navarro sa pinupuntahan niya presscons.

"Sa lahat ng nagtatanong sa'kin kailan babalik si Vhong, isang sagutan na lang... una, hindi po ako ang manager ni Vhong so hindi ako ang magde-decide kung kailan siya babalik. Pangalawa, pagpaphingahin po muna natin siya. Pangatlo, babalik siya!" pahayag ni Vice Ganda.

"Babalik siya. He promised to come back" paglilinaw pa ni Vice.

Matatandaang natigil sa paghohost si Vhong Navarro sa It's Showtime matapos makulong ng mahigit dalawang taon dahil sa muling pagbubukas ng mga kasong isinampa ni Deniece Cornejo noong 2014.

Noong December 6, nabigayan ng pansamantalang kalayaan si Vhong Navarro matapos makapagpyansa ng isang milyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo