Vloggers Na Inimbitahan Para Sa Meet and Greet Kay Pbbm, Nakaranas Ng Discrimination!

Lunes, Disyembre 12, 2022

/ by Lovely


Tila nadismaya ang mga invited vloggers at  loyalist sa meet and greet para kay Pangulong Bongbong Marcos sa Malacañang nitong Sabado, December 10, dahil sa pagkain na ibinigay sa kanila.

Ayon sa ulat, ensaymada at juice lamang ang inihanda para sa mga vloggers gayong magtatanghalian na nang ganapin ang event.

Maging si Maharlika, isang US-based Pinoy Youtuber ay nagbigay ng opinyon hinggil sa napapabalitang discrimination para sa mga vloggers na tagasuporta ng Pangulo gayung espesyal naman ang inihandang pagkain para sa mga taga main stream media.

“Papano babangon ang loyalista at vloggers kung ginutom n’yo? Pag mga oligarko, negosyante, mga kaklase at kachokaran… buffet, overflowing coffee, charcuterie, sky is the limit ang wine atbp. ang alay n’yo,” ani Maharlika sa isang Facebook post.

Dagdag pa niya, “Sobrang baba naman ang trato n’yo sa taong nagmamahal at sumusuporta sa mga Marcos.”

Sa kasunod na post, ibinahagi ni Maharlika ang isang Tiktok video kung saan makikita ang bonggang pagkain at may pa music pa sa Malacanang Press Corps.

“Ensaymada ang lunch ng Marcos Loyalists/Vloggers sa Meet & Greet ni PBBM. Samantalang ang Malacañang Press Corps pang 5 star hotel at may music performance pa. SEE THE DIFFERENCE? Ang tawag diyan DISCRIMINATION.” caption ni Maharlika sa nasabing video.

Labis namang nasaktan ang mga vloggers na naroroon sa nasabing event dahil parag busabos lamang ang tingin sa kanila base sa treatment na natanggap.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo