Ayon kay Xian Gaza, dapat turuan ng mga magulang ang mga batang maging grateful sa kung anumman ang kanilang matanggap ngayon pasko.
"Turuan natin yung mga bata na maging grateful kahit gaano pa kaliit yung matanggap nilang aguinaldo. When you say "Kuripot ng ninang mo, anak! Bente lang! Nubayan!". They will grow up as ungrateful kids who expect and demand more from other people."
Pinuna din niya ang mindset ng ilang magulang na ang tingin sa mga ninong at ninang ay banko at inoobliga na magbigay ng malalaking pamasko.
"Ito yung Christmas environment na kinalakihan ng mga taong financially dependent sa kanilang mga kamag-anak. Na para bang obligasyon niyong lahat na buhayin sila."
Ipinahayag din niya ang magiging epekto kapag tinuturuan ng mga magulang ang mga anak na maging grateful sa lahat ng bagay na natatanggap.
"If you will teach the kiddos na maging grateful sa lahat ng pagkakataon no matter how small it is, lalaki silang independent without expecting any financial support from others."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!