Zeinab Harake Kinagiliwan ng Mga Netizens sa Pagiging Mabuting Ina Kay Bia!

Biyernes, Disyembre 30, 2022

/ by Lovely

Ikinatutuwa ngayon ng ilang mga netizens ang recent photo na ibinahagi ni Zeinab Harake sa kanyang Facebook account.

Makikita sa nasabing photo ang malambing na pagyakap ni Zeinab sa kanyang anak. Sa kanyang caption, ipinahayag niya kung gaano siya kasaya na kapiling ang anak.

"Sarap mabuhay kasama ka anak #BiaDay #20months," pagpapahayag ni Zeinab.

Agad itong umani ng reaction mula sa mga netizens na natutuwa sa ibinahaging larawan ni Zeinab. Pinangigigilan din nila ang ka-cutean ng anak ni Zeinab.

"Ayses.. sarap ng smile ni bibi bia namin.."

"Ang cute ng baby bia namin ah"

"Cute ng Bia na yan,sarap panggigilan"

"Napaka cute ba ni baby bia"

Matatandaang, kamakailan lamang ay nasangkot sa isang kontrobersiya si Zeinab Harake. Kung saan inilabas ni Wilbert Tolentino, na dati niyang kaibigan ang umano'y tinatagong baho ni Zeinab.

Nagkanya-kanya naman ng bigay ng pahayag ang mga social media personality na nadamay sa kanilang bangayan.

Sa ngayon ay nanahimik na ang dalawang panig at tila kinalimutan na ang lahat.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo