Zeinab Harake Pinayuhan Ang Mga Lalaki Na Nais Pumasok Sa Pakikipagrelasyon!

Lunes, Disyembre 5, 2022

/ by Lovely


Nagbigay ng payo ang social media personality na si Zeinab Harake sa lahat ng lalaki na nagbabalak na makipagrelasyon.

Ayon kay Zeinab kailangan munang maging mentally at emotionally mature ang mga ito. Kailangan din umanong baguhin ng lalaki ang kinasanayang lifestyle bago pumasok sa isang relasyon.

Ipinahayag din ni Zeinab kung gaano kasakit para sa mga babaeng nagnanais ng isang stable serious releationship ang pagloloko ng lalaki.

“Ganyan dapat boys pag di kayo sigurado or hindi pa kayo tapos sa buhay binata niyo, wag kayong magpapaasa o pumasok sa relasyon na kayo mismo alam sa sarili niyong hindi niyo pa kaya manindigan at mag seryoso.  Hindi yung nakakasakit kayo ng babaeng walang hinahangad kundi ang maayos na partner o pamilya. Hindi laro ang commitment,” pahayag ni Zeinab.

Agad naman itong ibinahagi ng self proclaim Pambansang Lalaking Marites na si Xian Gaza na aminadong natamaan at guilty sa pahayag ni Zeinab.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo