Nilinaw na ng ABS-CBN International Sales Division ang isyung itinigil na sa pag-ere ang “Mars Ravelo’s Darna The TV Series” sa free TV channel na ANTV ng bansang Indonesia.
Ayon sa kanilang pahayag, nahinto lamang ang paglipad ni Darna sa ANTV dahil sa aalisin na ang analog TV broadcasting sa Indonesia.
Kasalukuyang, sinisimulan na ang pag-shift sa digital TV broadcasting na siyang magiging plataporma sa pag-ere muli ng Darna sa nasabing bansa.
“ANTV determined that it would be better for viewers to enjoy ‘Darna’ once the transition to digital TV broadcasting has been completed,” pahayag ng istasyon.
Muli ay magbibigay sila ng update kung kailan muling babalik sa paglipad si Darna sa Indonesia.
Nauna nang kumalat sa mga entertainment sites ang biglaang pagpapatigil ng Darna sa Indonesia matapos ang dalawang linggong airing nito.
Isa sa mga naisip na dahilan ay ang revealing costume ng Darna na hindi umano angkop sa bansang Indonesia na karamihan sa mga mamamayan ay mga Muslim.
Maging sa ilang mga posters ay tinakpan pa ang bandang dibdib ng aktres.
HOLA SCOOP: Matapos lang ang dalawang linggo sa ere, itinigil na umano ang pagpapalabas ng Kapamilya fantaserye na 'Mars Ravelo's Darna' sa bansang Indonesia. pic.twitter.com/v6KXrgHpzN
— HOLA PH (@holaphofficial) January 26, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!