Tinaguriang VivaMax Queen si AJ Raval noong 2021 dahil sa paglaki ng subcriber at sa pagtangkilik ng mga manonood sa kanyang mga pelikula sa nasabing streaming app.
Subalit tila agad na napalitan si AJ Raval at naibigay na ang korona sa ibang VivaMax actress.
Sa pagpasok pa lamang ng taong 2022 ay pinasiklab ni AJ Raval sa kanyang pelikulang Hugas ang VivaMax platform. Nasundan pa ito ng ilan pang mga pelikulang pinagbibidahan niya.
Subalit, sa kalagitnaan ng 2022 nagpahayag si AJ Raval na magpapahinga muna sa pagpapaseksi. Ninanais din umano niyang makilala sa larangan ng showbiz dahil sa kanyang galing at hindi dahil sa pagpapaseksi.
Inilahad din ni AJ Raval na magpapahinga muna siya sa showbiz at magfo-focus umano muna siya sa pag-aaral.
Ayon sa aming nakalap na impormasyon may ilang project na tinanggihan ni AJ Raval dahil sa labis na hubaran na malugod namang tinanggap ng ibang mga artista.
Sa ngayon, tila hindi na kay AJ Raval ang korona bilang Vivamax Queen, dahil sa inilabas na trailer ng bagong pelikula ni Angeli Khang ipinakilala na ito ng VivaMax bilang bagong VivaMax Queen.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!