Alden Richard Inamin Ang Namumuo Nilang Relasyon ni Julie Anne San Jose!

Miyerkules, Enero 25, 2023

/ by Lovely


Isang malaking rebelasyon ang isiniwalat ng Kapuso star Alden Richards ngayong Miyerkules  kaugnay ng pagkakamabutihan nila noon ng actress -singer na Julie Anne San Jose.

Ito nga ang highlight sa episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan natanong ang aktor sa ilang mga na-link na stars sa kaniya noon na muntikan na niyang makatuluyan.

Isa na rito ang Kapuso singer, actress, at host na si Julie Anne San Jose.

“I decided to mag-focus na lang po talaga sa work. ‘Yun po ‘yung inihingi ko ng sorry sa kanya. It’s a long time. Parang naiwan ko po siya,” rebelasyon ni Alden.

Sinabi pa niya na mas mabigat iyon sa parte  ni Julie Anne. Inabot pa umano ng ilang buwan bago nakausap ni Alden noon si Julie Anne.

“Naniniwala po kasi ako na time heals everything and mahirap po kasing ipilit na gusto mong magkaayos kayo. Pero ‘yung panahon, hindi pa tama, kasi sariwa pa po ‘yung sugat. Hindi po natin madidikta sa puso natin kung kailan gagaling yun. It really depends upon the person,” pahayag pa ni Alden.

Agad naman umanong humingi ng paumanhin si Alden kay Julie Anne nang mabigyan ng pagkakataon.

“So Sunday Pinasaya, rehearsal, may green room po tayo sa Studio 7. Nung kami na lang dalawa na lang sa green room, ni-lock ko po yung pinto. And then I talked to her,” kwento ni Alden.

“I’m really sorry for what happened. Iniwan kita. There’s no one to blame but me and sana napatawad mo na ako,” dagdag pa niya.

May ginamit pa umanong term noon si Alden at nang mapatawad na siya ni Julie Anne inamin ni Alden na nawala ang mabigat niyang dinadala.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo