Alden Richards, Nilinaw Ang Isyu Na Ikinasal at May Anak Sila Ni Maine Mendoza!

Huwebes, Enero 26, 2023

/ by Lovely


Nagbigay linaw na ang Kapuso actor at multimedia star na si Alden Richards sa kumakalat na isyu noon na kinasal at may kambal nang anak sila ng aktres na si Maine Mendoza, habang nagkatambal sila noon sa Kalye Serye ng Eat Bulaga.

Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” na umere kahapon, Miyerkules January 25, nilinaw ni Alden na bagama’t magkaiba ang landas na tinahak nila ni Maine ngayon ay nananatili pa rin silang mabuting magkaibigan.

“But right now po kasi, kami ni Maine ngayon we’re at a point na we’re not getting any younger, and we’ve already made our, of course, personal choices. We’re very good friends up to this point,” pagpapahayag ni Alden.

Kasunod nito, nilinaw din ng aktor ang mga spekulasyon ng mga AlDub fans na nagpakasal at nagkaroon na sila ng anak ni Maine Mendoza sa totoong buhay.

“Wala po, wala po,” paglilinaw ni Alden sa isyu.

Matatandaang pumatok ang love team nina Alden at Maine na AlDub, na nagsimula sa 'KalyeSerye' ng GMA noontime show na “Eat Bulaga”.

Narito ang buong video ng programa ni Mr. Boy Abunda:



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo