Alex Gonzaga, Hindi Napigil ang Luha sa Latest Podcast!

Martes, Enero 10, 2023

/ by Lovely


Hindi napigilan ng aktres, TV host, at social media personality na si Alex Gonzaga-Morada na maging emosyunal sa kaniyang latest podcast na “Ano na Catherine”.

Sa kanyang video na pinamagatan niyang “Pagiging Mayabang ba kapag Ikaw ay naging Matapang”, inilabas ni Alex ang kanyang tunay na nararamdaman at saloobin.

Aminado si Alex na madali siyang naaapektuhan sa mga hindi magagandang sinasabi patungkol sa kaniya. Subalit ipinakikita na lamang niya sa mga tao na matapang siya at hindi siya naapektuhan.

“Mahirap siyang aminin sa sarili mo na, I’m a weak person. Yung mukha kang matapang sa harap ng maraming tao pero ang bilis mong masaktan. Pag may sinabi sa ‘yo or may ginawa sa ‘yo yung isang tao, parang apektado ka pero ayaw mong maging ganoong klaseng tao, ayaw mong masabihang ‘Mahina ‘yan eh…’," pahayag ni Alex.

Inamin din ni Alex ang tunay na naramdaman niya noon sa tila pagkukumpara sa kanilang dalawa ng ateng si Toni Gonzaga, lalo na sa kanilang pamilya.

Kahit nasa 30s na, aminado si Alex na hanggang ngayon ay struggle pa rin sa kaniya kung paano titimbangin ang sarili, kung paanong maipakikitang matapang siya subalit hindi magiging mayabang ang dating.

Dumating na din umano siya sa puntong hindi na masaya si Alex sa kung ano ang nangyayari sa kaniyang career at maging sa kung ano siya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo