Alex Gonzaga Ni Resbakan Ang Basher Ng Kanyang Mommy Pinty!

Lunes, Enero 23, 2023

/ by Lovely


Hindi pinalampas ni Alex Gonzaga ang netizen na nagkomento sa videong ibinahagi niya sa kanyang social media na kuha mula sa concert ng kanyang ate na si Toni Gonzaga.

Makikita sa nasabing video na halos mapuno ang Araneta Coliseum sa dami ng tao na nagpunta sa 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga na naganap noong January 20, 2023 kasabay ng birthday nito.

Taliwas ito sa naunang kumalat na mga larawan na makikitang nilangaw umano ang concert dahil kunti lamang ang mga nanood.

"CONGRATS ATE!!!!! Soldout!!!! #IamToni," caption ni Alex sa kanyang FB post.

Agad naman sinupalpal ng isang basher si Alex Gonzaga sa mismong comment section ng kanyang post at sinabing dahil  sa pamamakyaw ng tickets ni Mommy Pinty kaya dumami ang tao sa Araneta.

"Sold out ni Mami Pinty yung 500 tickets, congrats Mami Pinty napuno mo ang Araneta."

Agad naman itong binweltahan ni Alex Gonzaga at sinabing hindi napupuno ng 500 tickets ang buong Araneta.

"Hindi lang ho 500 ang upuan sa Araneta para masabi sold out kung nakapunta na kayo dun alam niyo dapat yan hehe," bwelta ni Alex.

Maging ang ilang mga netizens ay dinepensahan si Alex at sinabing kahit pa 1000 tickets ang binili ni Mommy Pinty ay hindi nito mapupuno ang Araneta, na may 16,500 sitting capacity,

Kaya naman masasabing mga fans talaga ni Toni ang mga nanood na siyang ikina-sold out ng tickets.

Hindi naman maipagkakailang naging successful ang I am Toni concert ng Multimedia Star na si Toni Gonzaga dahil makikita namang marami ang dumalo at nanood sa concert nito.

Matatandaan, na ilang linggo bago ang concert na ito ni Toni Gonzaga ay may lumabas na usapin na mahina umano ang bentahan ng tickets para sa concert nito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo